Monday, November 21, 2011

ang kaANTOKan ko sa klase at ang LOVE

NOVEMBER 21, 2011; 2:19pm; AH 14, Social Work Department, BUCSSP :>

May klase kami. Antok ako. Sobra. Hindi ko alam kung kulang lang talaga ako sa tulog kagabi o dahil sa bagong seat plan na naman namin o sadyang bored at naaantok lang talaga ako sa subject. Pero basta talaga ang alam ko at ang hinaing ng buong sistema ko ay ANTOK ako at kailangan ko ng matulog. Period.

Masakit sa ulo. Masakit talaga sa ulong magpigil ng antok. As in. Yung tipong gusto ko ng pumikit at matulog na lang talaga sa kinauupuan ko maski na may klase pa kami. Tsk. Kung anu-ano na ang naiisip ko sa mga oras na yun. Kaya ang ginagawa ko nalang e magmasidasid nalang din sa mga kaklase kong sa tingin ko ay ganun din ang pinuproblema sa buhay. Lalong lalo na ang katabi kong si JOCELLE. Haha. Tinatawanan ko nalang din siya at pareho nga kami ng sitwasyon. Kung ano-ano na ang mga pinaggagawa namin, wag lang gupuin ng antok. Minamasahe niya ang ulo niya at ako naman ay nakikipagharutan nalang ng tingin kay JOSEPH na dude ko na sa kasamaang palad ay nasa kabilang ibayo ng klasrum. Pero dahil malayo nga ang lalaking yun, nahihirapan ako <na nachachallenge sana>, at natatakot na baka mahuli kami ni madam at mapagalitan. Kaya ayun, sa likod nalang ako naghanap ng mas madaling makakausap at ayun nga si TERELLE na singko ko din kung tawagin, halata niya ata na antok na antok na din talaga ako kaya eto ang PAALALA niya sa akin:

"Bawal maantok dito. Mapapagalitan ka."

Tsktsktskstskstskstsk.

Bigla ko tuloy naalala si MADAM VIDA at ang pagtulog ko sa klase niya dati. HAHA. Ang pagtulog ng konti tapos magigising tapos magrerecite sa klase niya para bumawi. Tapos tulog ulit. Hahahaha. Marasapa ako.

Anyway, balik sa kwento ko, dahil sa sinabi ni terelle, mas lalo akong nanlumo at nawalan ng pag-asa sa buhay. <Haha. OA lang e> Tumahimik nalang tuloy ako at nagsulatsulat nalang ulit ng pangalan ko sa kahit saang papel na makita ko. Narcissistic na naman lamang ako. Aysows.

Pero dahil nga amboring ng ginagawa ko, ayun nadagdagan ng sobra ang pagkaantok ko. TSK. HINDI KO NA TALAGA KAYA! Urgh. Sobrang masakit na masakit na sa ulo. Huhuhu. Gusto ko ng lumabas at magjumping jack o kung ano pa mang pwedeng gawin mawala lang ang antok na kanina ko pa nilalabanan. Huhuhu. Gusto ko na sumigaw at sabihin kay madam na: 

"TAMA NA PO! BREAK NA PO MUNA, PLEEEEEEEEEEASE?"

Pero syempre, hindi ko yun kaya. 

Haaaaaaaaay. Nawawalan na ko ng pag-asa. Gusto ko ng sumuko at magdecide sa sarili ko kung matutulog na ko o lalabas nalang ng klasrum at magpaalam na magsiCR muna. Pero habang nag-iisip ako at nagjajak-en-poy sa utak ko kung ano na ang mabuting gawin sa sitwasyon ko, e basta nalang akong KINUROT ni JOCELLE ng pagkasakitsakit! Aaaaaaa! Ang sakit talagang seryoso. Nabigla pati ako. Buti nalang at hindi ako sumigaw. Haha. hanep na jocelle. Nakakabigla na nakakatuwa. HAHA. Hanep na feeling. Ansarap na ang sakit. lol. Magulo sa feelings pero masaya!! hahaha. Asteeg.

Parang niligtas niya ako sa hell. Wew. Yung tipong sobrang ansama na ng nararadaman ko sa pag-iisip ng kung ano na ang magandang solusyon para mawala yun. Tas ng dahil lang sa isang nakakabiglang masakit na kurot ni jocs, e nawala yun bigla? hahahaha. Nakakatuwa din yung basta lang talaga niya akong kinurot ng hindi man lang pinag-isipan at siguradong sigurado talaga siya na yun lang ang tanging paraan para matulungan niya akong makapagconcentrate ulit sa lesson namin para sa hapong yun. Hmmmmmm. Nakakatuwa basta. Kahit masakit talaga at nagkaron ako ng pasa sa kamay. Tsktsk. :)))

SO, ANO NGA BA ANG NAREALIZE KO SA MGA PANGYAYARING ITO????
Well, wala man. Nakonek ko lang sa LOVE. Hahaha. :D

at eto ang mga yun:
  • Na PANGIT talaga sa feeling ang nagpipigil ng mga nararadaman. Ikaw din ang kawawa. Kasi ikaw man din lang ang nagsaSUFFER.
  • Yung tipong masyado ka ng naguguluhan sa kung ano ang dapat mong gawin sa mga nararadaman mo na nakakapagpagulo sa puso't isipan mo tas bigla nalang ay magpaparealize sayo na parang TANGA ka lang nagpaparaisip ng mga bagay na dapat e hindi naman talaga dapat pinag-iisipan pa kundi pinababayaan nalang. Naalala ko tuloy si wanhaf at ang sinabi niya sa amin ni kuya BJORN habang naglalakad kami papuntang BICHARA at nag-uusap at nagsishare-an ng mga kilig moments,
"Binibigyan mo na naman ng mga malisya ang mga bagay na sa kaniya ay wala naman."

Simple. Pero TAGOS. o.o

Hmmmmmmmmmmmmmm.
Actually, nainis talaga ako kay wanhaf ng sinabi niya lang basta to habang nag-uusap kami ni kuya bjorn kasi nagpapakaKJ na naman siya pero narealize ko din TAMA nga siguro siya. Nagsisimula na naman kasi akong  UMASA sa mga bagay-bagay. Buti nalang natauhan ako at bumalik sa realidad na HUWAG AKONG ASA at SIGURADONG MASASAKTAN NA NAMAN AKO KUNG SAKALI. Hmmmm.

:>

2 comments: